Kaninang umaga, dumaan sa kwarto ko si mama, hinahanap nya yung papel na hawak nya last week. Na hindi ko alam kung ano pero gusto nya raw hanapin, kailangan daw niya ngayon iyon.
Then, out of the blue, nagkaroon kami ng conversation
MAMA: Ton, naglilinis ba dito si Nida (yung helper namin)
AKO: Oo naman, araw-araw nga eh
MAMA: Eh bakit ang kalat dito?
AKO: Nandito ako eh
[silence]
MAMA: Ah eto nahanap ko na....
+ + + + + + + + + + + + + + + + + +
Minsan, naisip ko na sana may mga tao na alng akong di nakilala...
na sana ok lang na tanguan na lang relationship namin, kung sa english eh CORTEOUS NODS.
Kesa makilala mo at malaman na EPAL pala siya.
I can tolerate yung pagiging makulit eh pero yung EPAL. Minsan, sa mga epal, gusto kong subukan yung principle na FOR THE GREATER GOOD. Alam mo yun? Yung isasacripisyo mo yung isa para sa nakakarami.
Kaya iniisip ko, kung sapakin ko kaya ito sa harap ng marami tao, marami kayang papalakpak?
+ + + + + + + + + + + + + + + + + +
May mga tao talaga no na kapag naka-eye-to-eye contact mo eh instead of magNOD o maghello iismiran ka.
Tapos kapag nakapag-usap kayo ang gagawing excuse eh kesyo di namukhaan, di nakilala, busy, o di ka napansin... Tangina! inismiran ka tapos di napansin? anu yun.
Pero ako peeps, kung hindi ko kayo napansin habang naglalakad ako sa campus isa lang ang dahilan niyan...
SUPLADO KASI AKO SA PERSONAL, ayoko ng namamansin, kaya lagi kong dala ang iPod ko at nakasuksok sa tenga ko para wala akong mapansin na iba. I wan't to be disconnected.
SUPLADO AKO, yun lang yun!
+ + + + + + + + + + + + + + + + + +
If you're going to ask me to change that side of my personality, why not reflect on this first
"IF PEOPLE CAN CHANGE, WOULD YOU BE YOU?"
Bye!
No comments:
Post a Comment