bago ko simulan ang kwento ko, nagkaroon kami ng dialogue ng nanay ko nung umuwi ako ng gabing-gabi nung July 12, 2008. Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako ng kwarto ko kasi pagud na pagod ako.
Pagpasok ko, nakita ko si mama naghihilik sa kama ko at bukas ang laptop nakatulugan ang panonood ng SHUTTER. Ginising ko kasi matutulog na ako. Bumangon siya at sabay sabi sa akin...
MAMA: (crazy-mother) TonTon! San ka ba galing?! alam mo bang di ako makatulog kakahintay sa iyo? Di ka man lang nag-reply sa text ko. Lagi ka na lang umuuwi ng gabi, di ka nagpapaalam! Wala ka nang inatupag kung di lakwatsa! di mo na kami nirerespeto ng Ama mo basta umaalis ka na lang. Sa susunod dun ka na sa labas matulog!!!!
Ako: (puzzled) Ma Dunkin Donut oh...
MAMA: (kinuha yung Donut ko, from crazy-mother switch to caring-mom) Kumain ka na ba?
Ako: Isosoli mo ba yang Donut ko?
MAMA: bakit ko isosoli?
Ako: Di pa kasi ako kumakain eh.
MAMA: nagpaalam ka ba sa amin ng Papa mo?
Pumunta na lang ako kusina para maghanap ng tirang pagkain...
haaaayyyyssss.... you can never win over your mother... especially if you're mom is unsinkable as mine.
+ + + + + + + +
1 comment:
haha mothers! But for sure, mamimiss mo sya... cguro nga kaya nasulat mo tong blog na to kase naiisip mo na sya :)
take care!
Post a Comment