Nagcelebrate kami ng aking mga housemate ng Mother's Day sa IKEA Tampines. Grabe akala ko kagamitang pambahay lang ang mabibili doon pati pala murang pagkain meron din. Sa halagang ten dollars nakapagfiesta ako sa Tampines! OhMYGULAY! CALORIES!
Actually kaya kami pumunta doon eh para bumili ng gamit pambahay na ipapadala ko sa Pinas. Well, actually sila din bumili hindi lang nila ako sinamahan.
Kasi ganito yan, nung isang araw kasi nakita ko si housemate Spica na naglabas ng isang malaking karton mula sa kanilang kwarto. At dahil sa mala-tsismoso attitude ko, tinanong ko siya kung para saan yun. At don ikinuwento sa akin ni Spica na pupunuin nya yun ng mga kagamitan na papadala niya sa Pinas. At dagdag pa ni Tita Ruby na kung gusto ko raw bumili rin nun eh sabihin ko lang dahil may discount siya sa balikbayan.
Oh di ba? ang poporma nina housemates, they make my life easier. Ngayon pwede na akong magpadala sa Pinas ng kung anu anong bagay na pwede mapakinabangan ng aking pamilya including my old stuff na pwede nilang ibenta sa Ukay-ukay hahahaha. At siempre sinu pa ba ang unang makikinabang ng balikbayan box kung di si...
IRMA!!!
liligaya na naman ang nanay ko kasi hindi na pahapyaw ang makukuha niyang pasalubong here from abroad. Actually hindi na rin ako mahihirapan na pasalubungan lahat ng gusto kong pasalubungan kasi nga may paraan na, kahit gaano pa ito kabigat. YEBBA!!!
Kaya Chris, yung mga pahaging mo na "Bili mo rin ako" magkakatotoo na yan! Maghihintay ka na nga lang hahaha.
Excited na akong mamili ng kung anu ano! bwahahahahaha!
Sa lahat ng makakabasa nito, sinu sa inyo gusto ng PASALUBONG?!
GAME!
7 comments:
akoooo gusto ko! hehe
oo ba, anu gusto mo nyahahaha
ang yabang ko!
yung camera mo, padala* mo sa akin. pahiram** lang sandali**.
*seriously. ASAP.
**not really!
naku once na hiniram mo di mo na isosoli.
mas safe kung najan ako hahahaha
P're, sale ang Crocs sa Expo sa katapusan. Baka gusto mo mamili din dun. 80% off.
'Pag namili ka, ibili mo na din ako. Size 11. Ibato mo dito sa Woodlands. *LOLz*
how I wsih my kwarta ako hahaha ang layo mo naman
yaman ah!
Post a Comment