Friday and Saturday, Feb 18-19, 2011, nag back-to-back movie ako with my back-to-back friends na nagbobook ng Back-To-Back Trades (officemates).
Anyway, yung mga movie na 'to eh definitely napanood nyo na dahil lahat ito eh available na for downloads or video streaming sa internet. Subalit, ako ay may paniniwala na may mga pelikula na dapat pinapanood sa sinehan. Ito ay sa kadahilanang,
1.) Aircon sa sinehan,
2.) Madilim sa sinehan,
3.) May upuan sa sinehan,
4.) Malaki ang tv sa sinehan at
5.) Maganda ang vibe ng tawanan, takutan, iyakan, kiligan at tsismisan sa sinehan.
Seating Arrangement, oo issue ito sa amin dahil sa mga filipino ang kasama ko hindi maiiwasan na maingay, makulit at overreacting ang mga pinoy kapag nasa sinehan. True! kaya siempre para maiwasan ang unahan, agawan, awayan, rape, hipuan at upang walang mainjury, nagbunutan kami ng aming upuan.
PARTICIPANTS
1. Blue - React kung React! Mabasag na moment mo magrereact ako! yan si Blue!
2. Jhona - babaeng blue, tawa ng tawa sa scene kahit wala namang nakakatawa.
3. Angeli - Dog Person, mahilig mag-rollover sa upuan, hongkolet hindi mapirmi.
4. Makriz - absorb sa movie, sinusulit ang 300 pesos na binayad.
5. Antoni - absorb sa movie, english kailangan ng concentration.
Movies
Black Swan
Seating Arrangement: Antoni - Makris - Jhona - Angeli
COMMENT: This is the perfect example of a bida na di kaya ang pressure ng pagiging bida. Potek ang ganda ni Mila Kunis! Gusto ko siyang iuwi pagsayawin habang kumakain ako.
NOTE: Wala si Blue, di kaya ng brain cells nya ang Black Swan dahil isa siyang Black Sheep.
127 Hours
Seating Arrangement: Antoni - Makris - Jhona - Angeli - Blue
COMMENT: Ang ganda ng paa at talampakan ni James Franco! Gusto ko nung lugar kung saan siya natrap, secluded at parang di mainit hahaha.
Just Go with it
Seating Arrangement: Jhona - Makris - Blue - Ako - Angeli
COMMENT: Sulit ang 300 pesos! May natutunan akong bagong paraan sa pangbablackmail, pagsisinungaling at pakikipagnegotiate. Ang ganda pa rin ni Nicole Kidman!
The Rite
Seating Arrangement: Antoni - Makris - Jhona - Angeli - Blue
COMMENT: totally disappointing! Una di ako naniniwala sa possession, pangalawa hindi ako katoliko at pangatlo yung young priest di marunong umarte. Yung arte ni Anthony Hopkins nung napossess eh same ng character niya bilang Hannibal Lecter minus the creapy voice.
A total of 1200 pesos ang nagastos namin para sa movie, hindi pa kasama dinner at ecstasy jan. Masarap talaga manood ng sine lalo na kapag yung crowd eh maligaya. Mareact din naman mga singaporeans pero iba pa rin ang pinoy kung magreact kasi may halong feelings.
Nood ulit tayo movie, yung Filipino Comedy naman!
2 comments:
"Potek ang ganda ni Mila Kunis! Gusto ko siyang iuwi pagsayawin habang kumakain ako." --HAHAHA! I agree, ang ganda ni Mila Kunis. And LOL sa comment mo sa paa at kamay ni James Franco :D
ewan yun ang napansin ko sa movie, ang talampakan ni James Franco hahaha
Post a Comment