There was an error in this gadget

Friday, August 23, 2013

Dapat kasi...

Ang hirap ng healthy lifestyle. Kailangang mag- exercise, motivated, matulog ng sapat na oras, uminom ng vitamins, kumain ng tama at higit sa lahat disiplinado.

Minsan iniisip ko na kailangan ko ng gym buddy, yung spatter ba. Kaso kasama non dapat makipagusap ako sa kanya, kasi alangan naman para kaming mga mime na nag-eexercise sa free weights area. Tsaka di ko makuha bakit kailangan maghawakan ng katawan para itama yung posture o alalayan?

Meron din naman akong kaibigan sa Fitness First pero karamihan eh yung mga nakakasama ko sa GX Class. Sempre dun kanya kanya, kaya gustung-gusto ko kasi walang interaction with the classmates.

Anyway, tuwing nag eexercise ako sa free weights area ayoko talaga ng may interaction, bonding at speaking. Mas gusto ko mag-isip at magpacute sa taong nakikita ko sa salamin.

Gusto ko lang ilabas kasi napapansin ko, nag sasalita na ako mag isa. 

Ikaw? Tuwing nag eexercise ka, gusto mo may kasama o wala?


No comments:

There was an error in this gadget