Kagabi, weird mang pakinggan, nanaginip ako na nasa office ako nang biglang lumindol! Mga 10 segundo kung tatantsahin ang tagal ng lindol. Intensity 10, ganyan ka OA ang lakas! At dahil it happens within the confines of my mind, hindi nakapag-react ang buong paligid at walang gumuhong pader, ang dahilan ng authorities may bumagsak na malaking puno sa MRT kaya gumuho ang MRT! No sense di ba?!
At ito pa, ang mga kasamahan ko sa trabaho, deadma! Work lang sila! Ako lang apekted! Mas gugustuhin yata nilang mamatay kaysa mawalan ng trabaho. Well anyway, sa panaginip lang naman yun.
According to deejay, hindi tinatamaan ng bagyo o lindol ang singapore. Kaya nga hindi maligaya ang mga bata dito kasi bukod sa hindi sila nakakasigaw ng "GUSTO KO NG FRIED CHICKEN!" eh nothing to look forward sila kapag malakas ang ulan, dahil tuloy tuloy ang pasok nila! Hindi nila alam yung STORM o BAGYO kaya kapag narinig nila iyon eh maghahang ang kanilang utak dahil hindi nila mapaprocess ito.
Sa dati kong work, sa DLSU-D, kabag nagbabadya pa lang ang bagyo talagang nakaabang na ang mga radar namin upang makasagap ng signal kung wala bang pasok kinabukasan. Kasi sa dati kong work, No Student No Work! Masaya na walang pasok pero in the long run kakasuka rin.
So naging panatag ako na walang lindol na magaganap dito sa Singapore. Wag lang na loobin ng Dios na parusahan ang over sa workaholic na mga tao dito sa bansang pinuntahan ko. Naku po ang mga HDB baka magiba, di pa man din ako nakakapagbayad ng renta.
Bandang hating gabi, nagising ako sa isang malakas na beep ng aking celfone. Nakatanggap ako ng message mula sa aking ate, and the text contains the following message
"Ton check mo nga how much airfare jeddah-singapore-jeddah 10 days [blank date]-[blank date] Pinayagan ako vacation boss ko. Pwd b ko magcrash sa rum mo?"
Hindi ako naniniwala sa kasabihan na may ibig ipahiwatig ang mga panaginip natin sa ating hinaharap, pero right now GUSTO KO NANG MANIWALA!
Mukhang lilindol nga sa Singapore! At ako lang ang tatamaan!
Help… [meek voice calling out from a pitch-black darkness cave]
Joke lang Ate! mas maganda sa EGYPT! hahahahahaha
No comments:
Post a Comment