F1 elimination round, kahit hindi ko napanood ang F1, damang dama ko ang harurot at tindi ng sagupaan sa F1, ba naman, ang tindi ng ingay! HARUROT kung HARUROT!
- - - - - - - - - - - -
neweys, nagkita kami ni JOSEPH VILLARAMA sa may Suntec City. Si joseph eh kaibigan ko from pinas na nakilala ko dahil mahilig din siya sa photography! Hanep ito mga pare! visitahin nyo site niya sa multiply http://bazti3.multiply.com. Lufet yan!
Nang makita ko si Joseph, astig! naalala ko ang lahat ng mga pinaggagagawa ko nung nasa Pinas pa ako. at kahit hindi kami nakapag-PICTURE PICTURE eh nakapag-usap naman kami.
Salamat nga pala joseph, you made me less homesick hahaha Next time ulit, sana apply ka na rin dito! Bale may plan din siya magwork dito pero bago yun siempre may aasikasuhin muna siya, kung anu man yun siya na ang nakakaalam.
Sa totoo lang, seeing friends here in Singapore is nostalgic, kahit sandali lang kami nagkakilala nitong si joseph eh parang close na close na kami, di naman kasi siya mahirap pakisamahan. At kung susumahin mo (I mean, tatanggalin mo pagiging naughty, mischievous and megalomaniac personalities ko) magkaparehas kami ng wavelength ni JOSEPH, parehas kaming GUAPO at MABAIT. kaya nagJIVE kaagad kahit sa multiply at YM lang kami nagkaka-usap.
Joseph, salamat talaga sa pagpunta mo dito, I hope hindi ka mag-sawa at mag-apply ka na dito para makapag-ipon ka na pang-business hehehe!
Mga kaibigan, SINGLE si JOSEPH with good standing in life. A BACHELOR blessed with MANY TALENTS, MANY MONEY and LOVE-MAKING SKILLS, sakto itong si JOSEPH!
nga pala, Joseph add mo na ako sa PLURK!!!
- - - - - - - - - - - -
Before I forgot, BORT DEI pala ng kaibigan kong si Sonny Adriano aka BONZ kahapon Sept 26. Well ngayon mas matanda na siya sa akin hehehe as of this writing TWENTY FIVE YEARS OLD na siya at ako eh TWENTY FOUR.
Four Years ko nakasama si Bonz sa ITC sa La Salle Dasma pero nung Oct 2007 lang nagsimula ang friendship namin. He belongs to another group kasi tsaka ang kaibigan niya talaga ay si Marvin Legaspi na kaibigan ko rin.
Actually ganito yan, since nagtatrabaho kami sa isang unit ni Marvin at napansin ko na close sila nung nagsisimula pa lang ang makulay na buhay ko sa La Salle, binalak kong paglayuin sila. Sounds like a telenovela no?
Hindi naman naging mahirap sa akin ang gawin ang Bongga sa Madilim na balak ko kasi at one point eh medyo, hindi naman nagkalamigan, nagkahiwalay lang sila ng landas. Dahil si Marvin most of the time eh kasama ko gumimik, pumasok sa ATENEO, at kumain tuwing lunch.
Remember one time marvin tuwing saturday eh pumupunta tayo sa Greenhills para bumili lang ng anime? hahaha I still remember that. Pati yung inutang ko sa iyong pera na nakalimutan mo na naaalala ko parin pero di ko babayaran hangga't di mo natatandaaan kung magkanu inutang ko hahahaha. Joke lang marvs, wala akong utang hehehe
Pero hindi ko alam kung paano sila nagkabalikan ulit. Medyo naging occupied ako nung mga last few months ko sa Pinas, di ko napansin na FRIEND na ulit sila, BESTFRIENDS na ulit.
Ayun so balik tayo kay Sonny, parang mas gusto kong ikwento friendship namin ni Marvs pero sige, isa siya sa mga tao na hindi ko binalak o ginusto na maging kaibigan, basta nangyari na lang ang nangyari. Ilan sa mga dahilan kung bakit ay ang mga sumusunod:
1. Magkakamay siya pag-kumakain, MAMATAY NA SA GUTOM HINDI AKO MAGKAKAMAY!
2. Ang lakas ng boses, Ako calm lang pero nakakadurog ng pagkatao!
3. Mukhang SANGGANO (Sorry Sonny), karamihan sa friendships ko pwedeng rumampa sa catwalk na kinaiinis ko, pwede naman ako di ba?
4. MAREKLAMO, tinututukan ko kaagad ng baril sa kukote para gawin nung tao ang gusto ko eh
5. HIGH BLOOD, hahahaha kahit HANDSOME CHUBBY ako di ako high blood.
6. RELIHIYOSO, kahit ako nagulat din eh, wala sa itsura.
7. LAGING LATE, ako di ako nalelate kahit kailan, dinidibdib lang ng mga kaibigan ko ang pagiging punctual kaya ang nangyayari nauuna sila sa venue at ako huling dumadating.
8. MAHIYAIN, aaminin ko na aspaltado ang mukha ko kaya di ako tinatablan ng hiya hahaha
9. NANINIGARILYO, binalak kong manigarilyo nun pero mas masarap mag-starbucks at magwaldas ng pera ng walang dahilan
Ilan lang yan sa mga naiisip kong dahilan kung bakit di ko siya ginusto maging kaibigan pero sabi nga ng mga wisemen at mga taong namatay na, lahat may pambalanse!
Hindi lahat dapat POSITIVE ENERGY dapat MAY NEGATIVE din. Oi, hwag ka magalit ha, di ko sinasabing NEGATIVE ENERGY ka dahil sa maitim ka. Ibig ko lang sabihin pambalanse ka!
Kung nanatili ako sa Pinas at dumating ang kaarawan ni Sonny na nadun ako, ang ireregalo ko sa kanya eh 2 bote ng METATHIONE (2 daw para makakita ng results sabi ni chris) at pangkiskis ng bakal para naman pumuti siya at maiba naman ang getup niya.
MGA GIRLS, SINGLE din itong si SONNY. Kaya kung naghahanap kayo ng boyfriend na gentleman, maganda smile, hindi boring, may sense kausap, singkit, hindi machicks, maputi at boyfriend material, please help yourself to get the name of the person I mentioned at the beginning of this entry. Dahil hindi si Sonny yun dahil siya ang tipo na challenging boyfriend, kaya kung gusto mo adventure na mababaliw ka, siya hanapin mo. WILD on the OUTSIDE but TAME in the INSIDE.
PERO kung gusto mo ng TAME, FINESSE AND CLASSY on the outside but wild in bed, intelligent and mysterious on the inside and also oooooozzzziiinnnnggg with RAW SEXUAL MAGNETISM na boyfriend! Aba come to me! hahahahaha!
naku, HAPPY BIRTHDAY NA LANG SONNY. Ang wish ko sa birthday mo, sana tumangkad ka at makahanap ka na ng GIRLFRIEND na magbibigay sa iyo ng gusto mo. MALAKING BOOBS. hahahaha joke lang.
- - - - - - - - - - - -
Nagpunta ako ng mall, naiinspire na naman akong magwaldas ng pera!
No comments:
Post a Comment