Tuesday, September 23, 2008

Virgin ulit Ako! First Time Ko Ulit!

Plurk!

akala ko kung anu yun nung una, hindi ko kasi maintindihan kung anu kinaganda Plurk. Eh sa totoo lang ang pangit ng pangalan.

Hanggang sa sinubukan ko ito with my friend MARVIN. Ayun, naadik na ako. Hahahaha madalas PLURKER, madalas LURKER at kung minsan EPAL-rker.

Basta ang Plurk eh ginawa para sa maraming drama sa buhay. Sa mga taong maraming iniisip at kailangan nilang ilabas ang topak nila pati sa mga baliw na gusto lang mang-away.

~ ~ ~ ~ ~ ~

Bukas ang start ng trabaho ko sa UGL-Premas. Matagal ko nang hinintay ito, nagpa-extend pa ako ng pagtigil ko dito sa Singapore para lang makuha ko ang trabaho na inanais ko.

Nakipag away pa ako sa isang ahente ko para lang makawala sa trabaho na binigay niya sa akin. Napaka-choosy ko no? hahaha ganun talaga, ang laki ng difference ng ibinibigay ng Premas kumpara sa inoffer nya sa akin. Dun na ako sa bigger boobs salary package.

Pero ngayon ko naisip na hindi na pala talaga ako babalik sa La Salle. Na wala na pala akong espasyo sa mga opisina ng La Salle. Hindi pala bakasyon itong ginagawa ko sa Singapore, tunay na buhay na pala. Nasa bagong mundo na ako.

Hindi ko na makakatrabaho ang mga hinayupak cute at makukulit na people sa ITC at sa buong La Salle.

Bigla tuloy ako nagkaroon ng anxiety attack dahil ngayon lang nag-sink-in sa akin na RESIGN na pala ako at, gaya nga ng sinabi ng isang dating nagtrabaho sa La Salle, "ITC is my PAST."

Na sa tingin ko ngayon ay tama naman, I must leave many of my baggages I carried while I was working in La Salle but I will still carry some to remind me of my beginnings and my happy memories of ITC.

Bad Memories from ITC, BE GONE!!! Happy Memories, STAY!

ITC is My FOUNDATION.

~ ~ ~ ~ ~ ~

Gaya nga ng sinabi ko, bukas nga FIRST DAY OF WORK ko sa UGL-PREMAS at na-i-stress ako sa kaba at takot.

THANG-EENUH! THANG-EENUH! THANG-EENUH!

Maraming gumugulo sa isip ko, paano ako kikilos bukas?

Mabait kaya mga kasama ko sa work?

Naku, di ko alam kung magrerequest ako sa CEO na tipunin lahat ng mga empleyado ng PREMAS sa isang lugar para may pagkakataon akong ipakilala ang sarili ko sa lahat.

Kasi mahirap naman na isa isa ko silang lapitan, at least kung may General Assembly isang pagpapakilala na lang.

Speech ko

"LAPIS EN PENTELPEN (LADIES AND GENTLEMEN), I am ANTHONY TOLEDO, you can call me ANTHONY FOR SHORT.

I am the New GUY please be nice to me,

If you are dying to know me and wants to worship me, kindly visit the following

My friendster account is http://www.friendster.com/anthony29x
My Multiply account is http://antonitoledo.multiply.com
My YM is killersmile329
My Plurk Nickname is OKSIHENO
My DeviantArt Account is http://www.deviantArt.com/oksiheno
My facebook account id is antonitoledo

So guys, see you online and let's have a chat during the night!

Nice to meet you all"

Pero serious kinakabahan talaga ako, sana maging friday na, nang matapos na ito, at sana sweldo na, para may pang-shopping na ako!

ANXIETY ATTACK!!!

No comments: