Thursday, January 29, 2009

Cross-My-Heart, Mahal ka namin! Pramis!

Halos lahat yata mag-aagree sa akin kapag sinabi ko na ang bunso sa pamilya ang pinaka-mahal na miyembro nito. Madalas sila ang pinagbubuhusan ng atensyon at pagmamahal ng mga magulang. Kadalasan nga nababansagan silang mga "spoiled brat."

Sa panganay kasi ang setup eh testing phase, lahat ng attensyon sa kanya dahil sa mga panahong ito inaalam pa ng mga magulang kung anu ang mga kailangan ng baby, anu ang dapat at di dapat, at madalas trial and error. Kapag nagkakamali mga magulang laging pinapasa sa kanila ang responsibilidad kasi ang dahilan nila "Panganay ka."

Kapag pangalawa ka naman, kadalasan hand-me-down from the panganay ang gamit mo, pero in our case babae panganay namin at lalake ako kaya masagwa kung manahin ko ang pink dress ng ate ko at mga baby hikaw niya. ganito na lang sa ibang blog na lang yung reklamo ko sa pagiging pangalawang anak.

Kapag bunso ka, alam na alam na ng parents kung paano ang gagawin. At kapag may mga trabaho na ang mga naunang kapatid, naiispoiled din ang mga bunso dahil siempre makukunsyensya sila dahil sa ka-cutetan ng bunso nilang kapatid.

At dahil nalalapit na ang MARSO, dumating ang balita sa amin na magtatapos na ng pag-aaral ang pinakabata sa pamilya namin. At sa pamamagitan ng darating na okasyon, naipakita namin kung gaano namin siya kamahal nung ibinalita nya sa amin ang petsa ng kanya graduation.

Ang-Well-Loved-Na-Kapatid-Ko-Na-Si-C.S. : (excited to inform us) March 2_, 2009 ang graduation namin!!! =)

Reaksyon-Ni-AMA : (napasigaw sa bigla) MA!!! Bad News! Graduation ni Chris!!!!

Reaksyon-Ni-INA : (naglalambing) tsan, graduation mo ba sa 2_ ? hindi na ba pwedeng iusog yun?

Reaksyon-Ni-ATE : (naiirita) di ba next year ka pa gagraduate? (referring to 2010)

Reaksyon-Ni-KUYA : (nagtataka na galit) graduate-graduate ka jan! eh huminto ka na sa pag-aaral!

Sa ngayon, nakumpirma na niya na mahal na mahal siya ng kanyang buong pamilya.

Sa aking bunsong kapatid, HAPPY GRADUATION!

Wednesday, January 14, 2009

perfect tayong lahat

Sinu ba tayo para magkamali at para sisihin ang sarili? Lahat tayo perfect, in our own point of view tama tayo sa lahat ng ginagawa natin. At ang mga nagkakamali ay ang mga tao sa paligid natin.

Gusto nyo ng halimbawa? eto...

Kapag bumabagsak ang isang estudyante, maririnig nyo ito

"Put@ng1n@ kasi ni [insert name prof here, title is optional] ang hina ng boses, bumagsak tuloy ako"

"Ang gulo kasi nyang magturo wala akong naiintindihan eh!"

"PakingSH3T kasi si [insert name prof here, title is optional], nagbibigay ng exam tapos di nagtuturo!"

Sa trabaho

"Ang bagal kasi ng jeep na sinakyan ko, na-late tuloy ako"

"Ang traffic kaya ako late!"

"Hindi ako late, sobrang maaga lang kayo!"

"Hindi kasi natapos kaagad yung pinaplantsa ko eh"

"galit kasi sa akin boss ko eh kaya ako nasisante"

"Boss ko kasi eh, buraot"

Madalas, sinisisi natin ang mga nangyayari sa ating kamalasan sa ibang tao pero ang hindi natin ginagawa ang tingnan ang sarili kung anu ang naging papel natin sa mga pangyayari. Lagi nating nililigtas ang sarili sa mga kamalian dahil takot tayong masisi.

Pero magkagayon man, kahit nasalo natin ang jackpot na kamalasan, ang malaking tanong para sa atin...

"May ginawa ka ba para masolusyunan ito at di na ulit mangyari? o ibabato mo ito sa iba?"

Monday, January 12, 2009

Piccolo - Inay - Wii

Nakarinig na ba kayo ng isang symphony? Di ba ang saya sa tenga? ang sarap pakinggan, affected lahat ng sensory nerves mo, it relaxes the mind, keeps us at peace at higit sa lahat sulit ang ginastos natin na bayad at panahon.

Pero kahit gaano pa kaganda ang isang symphony, kapag may humirit na piccolo definitely mapapansin mo ito sa kakaiba nitong tining. matatabunan ng tunog ng piccolo ang lahat ng tunog sa isang symphony at siempre mapapansin mo ito at mawawala ka sa concentration.

Katulad na lang ng nangyari sa conversation naming magkapatid. Isang araw habang nagbabalitaktakan kami ng aking kapatid kong si traumaphobic tungkol sa lip treatment mula sa Shu Uemura, sapatos na gawa ni Manolo Blahnik, gloves mula sa chanel, mga damit na dinesenyo ni Justin Timberlake at sa kagandahan ng matroshka doll may biglang sumingit sa background that really snatched away my attention from our meaningful conversation.

the conversation goes like this

Me: ngorks! ngorks! Zoom! Zoom! La.. la.. la.. Labamba..

Traumaphobic: Far han bin baha rawu noor lemy bin sali mand mdap pandi bin elmi

Me: hahaha Chuva chuva eclavu pang tong kheng kim seng wek wek

Traumaphobic: mohd ariff b wata tham zhiwen sapie bin shada wee bakar

(in the background, my mother screamed)

Ina: tsan! sabihin mo kay Kuya ibili nya ako ng Wii!!!

for a moment there, nailipat ang attention ko sa sinabi ng nanay ko...

Wii??!! anung alam nya sa wii? Knowing how wii works, sa behavior ng nanay ko at ang kanyang unsinkable maniacal laugh, parang naimagine ko na mas mag-eenjoy yung taong makakapanood sa kanya habang ginagawa ng nanay ko yung mga maneuvers sa Wii.

Nakita pala nya yung wii sa SM Mall of Dasma at kung paano ito pinapagana kaya nagustuhan niya kung paano nilalaro ito. sabagay nakaka-enjoy naman talaga ang wii, pero di ko ma-imagine talaga ang nanay ko na nakikipag-espadahan habang tumatalon with matching tili at halakhak. Yan pala naging side-effect ng chemotherapy sa kanya.

Mga magulang nga naman sa panahon ngayong information age eh iba na. Dati sa edad nila, kumukuha na sila dapat ng short courses para mag-gantsilyo at proper posture sa pag-upo sa tumba-tumba tapos ngayon alam na alam mga latest sa technology at gaming industry.

Pero siempre yun na lang kaligayahan ng Nanay ko kaya eto ako gagawa ng paraan.

Sige, magtatrabaho na ako para maka-ipon pambili ng Wii.


ZzzZzzZzzZzz

Disclaimer:

yung pag-uusap namin ng kapatid ko eh sinadya ko na i-encrypt, masyado kasing disturbing at personal ang pinag-usapan namin.

hwag nyo sanang isiping weird kami mag-usap.

Titser-Tiseran...

Isa sa pinakamagandang propesyon ang pagtuturo. Kahit maliit ang kita, malaki naman ang unseen benefits na naidudulot nito sa isang professor.

Nandyan ang galangin ka ng mga estudyante mo, ang maging dalubhasa sa larangan na itinuturo mo, ang maging idol ng mga estudyante, automatic contact sa friendster, multiply, facebook, plurk, zoodango, zorpia, tagged at kung anu ano pa. Bukod pa roon, nakakasabay ka sa tugtog ng panahon dahil sa puro mga kabataan ang tinuturuan mo.

Hindi ko tuloy maiwasan ang sariwain ang mga nakaraan kong GIG sa La Salle Dasma.

Opening ng Class
Me: Class, 11:30am - 2:30pm is our official class time, pwede sa klase ko ang ma-late, kahit 1 oras kayo late wala akong pakealam, basta dapat exactly 11:30am nandito na kayo sa loob ng laboratory.

During Birthday
Student: Sir Fred, B-day po ni Juan ngayon.
Me: (ico-confirm sa student database para di madaya) Ok, class, One, two, three *insert happy b-day song* Get one whole sheet of Yellow Paper may surprise quiz tayo ngayon! Juan as gift to your bday, exempted ka at panoorin mong nagdudusa mga classmates mo. Essay type quiz!

Paano ko napapanatili ang no cheating tuwing lab exam? Simple Four Sets of exam tapos naka-assign pa ang bawat set sa mga student.

During Class...
Me: class, kung hindi nyo naiintindihan ang topic hwag kayong mahihiyang magtanong. Karapatan ninyo ang matuto at mas lalawak pa ang kaalamanan natin sa pamamagitan ng pagtatanungan.
Student: Sir, anu nga po uli yung *insert any computer programming question here*
Me: (nakalimutan yung topic, kailangan ng panahon para mag-analyze) Yan kasi tatanung-tanong hindi nakikinig, sinabi ko na yan last time ah? siguro absent ka? Hindi ko na uulitin ito ha kaya makinig ka.

During Lab Exam.
Me: Ok class since, pina-practice natin ang real world scenario, open notes, open books, you can browse the internet but you cannot browse your classmates computer. (ganyan ako kabait)

After Class
Student: Oi Sir, mag-online ka mamaya sa YM may tatanong ako sa inyo.
Me: Ok :) (to myself) walandyo! kulang na lang "And that's an order!"

Namimiss ko ang pagtuturo at ang pagtalak-talak ko sa loob ng klase.

Namimiss ko ang naghahanap sa akin sa opisina ng ITC para magtanung ng sagot sa assignment na binigay ko.

O kaya ang makipagkwentuhan sa student ko kahit ang deadline ng trabaho ko eh 5 mins past na.

Namimiss ko ang mga suhol ng students ko makapasa lang sila!

Ang dami kong iniwan...

Ibalik nyo na ako Pilipinas!!!!!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
On the second thought, sweldo na namin next week... mas masaya na ulit dito...

bwahahahahaha!!!!