Halos lahat yata mag-aagree sa akin kapag sinabi ko na ang bunso sa pamilya ang pinaka-mahal na miyembro nito. Madalas sila ang pinagbubuhusan ng atensyon at pagmamahal ng mga magulang. Kadalasan nga nababansagan silang mga "spoiled brat."
Sa panganay kasi ang setup eh testing phase, lahat ng attensyon sa kanya dahil sa mga panahong ito inaalam pa ng mga magulang kung anu ang mga kailangan ng baby, anu ang dapat at di dapat, at madalas trial and error. Kapag nagkakamali mga magulang laging pinapasa sa kanila ang responsibilidad kasi ang dahilan nila "Panganay ka."
Kapag pangalawa ka naman, kadalasan hand-me-down from the panganay ang gamit mo, pero in our case babae panganay namin at lalake ako kaya masagwa kung manahin ko ang pink dress ng ate ko at mga baby hikaw niya. ganito na lang sa ibang blog na lang yung reklamo ko sa pagiging pangalawang anak.
Kapag bunso ka, alam na alam na ng parents kung paano ang gagawin. At kapag may mga trabaho na ang mga naunang kapatid, naiispoiled din ang mga bunso dahil siempre makukunsyensya sila dahil sa ka-cutetan ng bunso nilang kapatid.
At dahil nalalapit na ang MARSO, dumating ang balita sa amin na magtatapos na ng pag-aaral ang pinakabata sa pamilya namin. At sa pamamagitan ng darating na okasyon, naipakita namin kung gaano namin siya kamahal nung ibinalita nya sa amin ang petsa ng kanya graduation.
Ang-Well-Loved-Na-Kapatid-Ko-Na-Si-C.S. : (excited to inform us) March 2_, 2009 ang graduation namin!!! =)
Reaksyon-Ni-AMA : (napasigaw sa bigla) MA!!! Bad News! Graduation ni Chris!!!!
Reaksyon-Ni-INA : (naglalambing) tsan, graduation mo ba sa 2_ ? hindi na ba pwedeng iusog yun?
Reaksyon-Ni-ATE : (naiirita) di ba next year ka pa gagraduate? (referring to 2010)
Reaksyon-Ni-KUYA : (nagtataka na galit) graduate-graduate ka jan! eh huminto ka na sa pag-aaral!
Sa ngayon, nakumpirma na niya na mahal na mahal siya ng kanyang buong pamilya.
Sa aking bunsong kapatid, HAPPY GRADUATION!
No comments:
Post a Comment