Monday, January 12, 2009

Piccolo - Inay - Wii

Nakarinig na ba kayo ng isang symphony? Di ba ang saya sa tenga? ang sarap pakinggan, affected lahat ng sensory nerves mo, it relaxes the mind, keeps us at peace at higit sa lahat sulit ang ginastos natin na bayad at panahon.

Pero kahit gaano pa kaganda ang isang symphony, kapag may humirit na piccolo definitely mapapansin mo ito sa kakaiba nitong tining. matatabunan ng tunog ng piccolo ang lahat ng tunog sa isang symphony at siempre mapapansin mo ito at mawawala ka sa concentration.

Katulad na lang ng nangyari sa conversation naming magkapatid. Isang araw habang nagbabalitaktakan kami ng aking kapatid kong si traumaphobic tungkol sa lip treatment mula sa Shu Uemura, sapatos na gawa ni Manolo Blahnik, gloves mula sa chanel, mga damit na dinesenyo ni Justin Timberlake at sa kagandahan ng matroshka doll may biglang sumingit sa background that really snatched away my attention from our meaningful conversation.

the conversation goes like this

Me: ngorks! ngorks! Zoom! Zoom! La.. la.. la.. Labamba..

Traumaphobic: Far han bin baha rawu noor lemy bin sali mand mdap pandi bin elmi

Me: hahaha Chuva chuva eclavu pang tong kheng kim seng wek wek

Traumaphobic: mohd ariff b wata tham zhiwen sapie bin shada wee bakar

(in the background, my mother screamed)

Ina: tsan! sabihin mo kay Kuya ibili nya ako ng Wii!!!

for a moment there, nailipat ang attention ko sa sinabi ng nanay ko...

Wii??!! anung alam nya sa wii? Knowing how wii works, sa behavior ng nanay ko at ang kanyang unsinkable maniacal laugh, parang naimagine ko na mas mag-eenjoy yung taong makakapanood sa kanya habang ginagawa ng nanay ko yung mga maneuvers sa Wii.

Nakita pala nya yung wii sa SM Mall of Dasma at kung paano ito pinapagana kaya nagustuhan niya kung paano nilalaro ito. sabagay nakaka-enjoy naman talaga ang wii, pero di ko ma-imagine talaga ang nanay ko na nakikipag-espadahan habang tumatalon with matching tili at halakhak. Yan pala naging side-effect ng chemotherapy sa kanya.

Mga magulang nga naman sa panahon ngayong information age eh iba na. Dati sa edad nila, kumukuha na sila dapat ng short courses para mag-gantsilyo at proper posture sa pag-upo sa tumba-tumba tapos ngayon alam na alam mga latest sa technology at gaming industry.

Pero siempre yun na lang kaligayahan ng Nanay ko kaya eto ako gagawa ng paraan.

Sige, magtatrabaho na ako para maka-ipon pambili ng Wii.


ZzzZzzZzzZzz

Disclaimer:

yung pag-uusap namin ng kapatid ko eh sinadya ko na i-encrypt, masyado kasing disturbing at personal ang pinag-usapan namin.

hwag nyo sanang isiping weird kami mag-usap.

No comments: