Sunday, November 15, 2009

scene sa MRT

Marami akong nakikitang tao sa MRT dito sa Singapore tuwing papasok ako ng office, uuwi sa bahay or gagala. May mga taong may infrared, may puting dumi sa noo, may maaantot na tao, at higit sa lahat ay mga nagtsi-tsimisang mga pinoy.
Ngunit, subalit, datapwat, mayroong isang tumatak sa akin.
Habang pinagmamasdan ko ang mga tao sa MRT, nabaling ang aking atensyon sa isang lalake na di ko mawari kung pinoy ba o isang malay.
Rugged looking mala90's action star. Tshirt, jeans at sneakers.
sabi ko sa aking sarili... "Pinoy ba ito? Pinoy ang porma pero parang malay tumitig."
Biglang nagring ang kanyang phone at sabay sabi sa receiver....

"Hey Gurl nasan ka na? on the way na me!"

Pinay pala.

No comments: