isang linggo na lang babalik na ang pinuno namin.
balik sa dating gawi.
magpapanggap na naman akong busy. haha
+ + + + +
kaninang umaga nilapitan ako ni steven. Kala ko nahalata na wala akong ginagawa kaya bibigyan ako ng gagawin, yun pala papalipatin na ako sa permanente kong pwesto.
dati kasi nasa managers' area ako ng aming butihin kagawaran, temporarily. Isang buwan din ang tinagal ko sa pwestong yun. Ang mindset ko nga, doon na ako permanently but I was wrong!
Ito, kakalipat ko lang ng pwesto na dating desk ni hong hai. At nang makita ko ang bakanteng lugar na aking lilipatan, kumanta ako ng [sings]
"Diiitooo baahh ang sulok kong takda sa ilalim ng aharrraaaww???"
Ngunit dahil sa karamihan dito sa aking pinapasukan ay chinese at indian, deadma sila sa solo performance ko dahil hindi nila maintindihan. Walang nagmalasakit na tingnan ako dahil busy sila.
Pero kung ang kinanta ko siguro eh "ABUCHIKI" ng yumao na nobelty singer na si Yoyoy Villame with matching itik-itik dance performance baka nakuha ko pa ang kanilang atensyon. Kaya lang huli na nung naisip ko, the moment was gone already.
Sa lahat ng sinabi ko, isa lang ang gusto kong iparating: pwede na ako magdecorate ng workstation ko! WEE!!!
+ + + + +
Isa sa perks ko sa trabaho ko eh pwede akong maglabas ng mga frustrations ko sa mga gawain ko sa pamamagitan ng pagmumura o pagsasabi ng mga obscene languages or any kinds of profanity.
At take note, it will not create any negative image to me nor it will disturb the morals of my colleagues.
Ang masasabi ko lang, it's a nice release and it helps! hindi ko ito nagagawa sa dati kong trabaho at ang masasabi ko, malaki ang naitutulong nito upang makabawas sa stress at sa pressure na nararamdaman ko.
Ang kondisyon nga lang eh dapat hindi ko ito sasabihin ng pasigaw at dapat PURONG TAGALOG!
2 comments:
dude, sabihin mo mga p*t*** *** nyo kahit isulat mo sa pamukha nila. hehehe
wahahaha
that's the idea, kahit nga siguro gawin ko iyon na wallpaper ok lang sa kanila hahaha
maturuan ngang bumati sa filipino mga teammates ko wahahaha
Post a Comment