Tuesday, May 27, 2008

Hala Lagot!!! Buhawi ang itawag mo sa akin

Kaninang umaga pag-gising ko eh yung all around helper namin at trusted kaliwang kamay ay nag-aalmusal sa aming hapag-kainan. Take note hindi niya ako niyaya kasi panigurado raw na papaalisin ko siya.

Hindi naman pauusugin lang kita banda duon sa dirty kitchen. =))

Anyways, na-greet siya sa akin ng "Good Morning Buhawi!"

Buhawi?!

OMGWTDLOLZ! what did she mean by Buhawi?

My relatives and Friends gave me so many nicknames (Antoni, TonTon, Ton, Tony, VENGA, Lolo Johnny, Fred, chuva, BratPrince, BP and the most popular ever SIR FRED!)

Pero never ko narinig na may tumawag sa aking BUHAWI. So being shaken by the matter, I gathered my courage and inquired as to why is she calling me BUHAWI?

Hinila niya ako at dinala sa aking kwarto at ipinamalas sa akin ang katotohanan. Ako pala yung tinutukoy niya na bagyo na dumadaan sa bahay namin. Kasi sobrang nagugulo daw ang bahay sa tuwing dumarating ako.

Unan ko nasa sahig, yung blanket nasa bintana, yung hanger nakasabit nga kaya lang nakasabit sa head board ko, yung mga bag nagkalat at yung mga lotion, pabango atbp mga pampalandi sa katawan eh akala mo tinamaan ng bowling ball, at may papel pa na nagsabog na hindi ko alam kung saan nagmula pero nandun ito.

Tinanong niya ako with a serious and inquisitive eye na kung galit daw ba ako sa maayos na lugar o talagang sinusulit ko lang serbisyo niya.

Ang sagot ko "Di ba hobby mo ang mag-ayos ng gamit? I'm just being supportive." [rolls eyes] hahahaha

Doon ko rin nalaman na kwarto ko lang yung nililinis niya araw araw hahaha.

+ + + + +

Inis na inis ako sa mga tao na laging nag-cocomment ng

"uuuyyy... bagay kayo ng crush mo... kasi magkamukha kayo eh..." SO?

"magkaparehas kayo ng nose..." sarat yun eh, di naman ako sarat

"parehas kayo ng mata..." green ang eyes nun, black ang akin... color blind ka ba?

"parehas kasi kayong mataba" tanginers,,, naghahanap ka ba ng sakit ng katawan?

"mahilig kasi kayo sa strifes" nakaplain red kaya ako.

Alam mo yun? yung basta makapag-comment lang about sa iyo at ng crush mo.

Pwede namang sabihin na...

"You're so cute together"

"Walang spark pero ramdam na ramdam ko ang kuryente sa inyong dalawa"

"Para kayong bagong kasal" I like this!

"Panis ang chemistry sa inyong dalawa!"

"Parang, you own each other"

Pero syempre wala kasi silang macomment, pero thank you na rin hahahaha

+ + + + +

Guys, let's pray for my friend... Dorothy Jayne...

dadaan kasi siya sa isang pagsubok...

may technical interview siya sa Friday...

sana makuha niya work niya para dagdag panggala sa Batam at sa SG.

GO DEEJAY!!!!

allowed ba akong i-announce?

+ + + + +

Kung sa exit interview sa current job mo at tinanong ka kung bakit mo gustong umalis dapat daw eh wala nang paliguy-ligoy at be honest raw kasi mas madali daw na matatanggap ng company ang dahilan mo.

Boss: Why do you want to leave our company?

Ikaw: I HATE YOU! I HATE THIS COMPANY! AYOKO SA MABAHO! AYOKO KO SA MASIKIP! SAWANG SAWA NA AKO SA KAKATINGIN SA MALAKWEBANG BUTAS NG ILONG MO! NAKAKATAKOT YANG ILONG MO SA TUWING NAGAGALIT KA! PARANG BLACK HOLE NA ANY MOMENT EH LALAMUNIN AKO NG BUO! AYOKO NA DITO!

Kaya remember... Be honest as much as possible... Be brutally honest!!! pagkakataon nyo na ito hahahaha

+ + + + +

1 comment:

Anonymous said...

nakakatawa na nakakatuwa yung sa buhawi..hahaha...


"... Kasi sobrang nagugulo daw ang bahay sa tuwing dumarating ako."

+++msaya pala ang helper nyo nung nawala ka at nasa singapore ka? hehe

+++ DEEJAY, goodluck sa iyo, wag kang masyadong kabahan,bsta isipin mo lang mas magaling kpa sa mga ksama mong magaapply. don't worry isasama kita sa prayers ko.


+++ "..Ikaw: I HATE YOU! I HATE THIS COMPANY! .." --ganito rin ba ang gagawin mo sa current job mo? hmmm...