Wednesday, May 21, 2008

Hala Lagot!!! World's Deadliest Rides

Alam ko kakapost ko pa lang ng blog entry for this day pero may naisip lang kasi ako pagkatapos kong panoorin ang Reverse Bungee namin ni Jaq at pagkatpos magpagkasunduan na ipostpone ang EK Team Building ng IS dahil sa magulong weather.

Anyways, di ko lang mawari kasi na bakit ang mga pinoy eh takut-na-takot sumakay sa Space Shuttle, Anchor's Away, Jungle Log Jam, Cyclone Loop, Octopus atbp mga theme park rides tapos hindi sila natatakot na sumakay sa jeep, pedicab, motorbike, tricycle, sa bus at sa lantsa o bangka dito sa Pilipinas?

Ako kasi mas takot na sumakay sa jeep atbo kumpara sa pagsakay sa mga rides sa themepark. Bakit ka nyo? Isa isahin natin...
  • Sa jeep pwede ka magahasa, maholdap, madukutan, mabaril at
    matsansingan
  • ang mga driver ng jeep kung magdrive eh parang nagda-drug-race
  • kung gabi ka uuwi at sa aguinaldo highway ang daan mo, matatakot ka sa mga nagkakarerahang 10 o 16 wheeler trucks! nag-dadrugrace din sila!
  • bali likod mo kung mabangga ang sinasakyan mong jeep.
  • kung tricycle naman 200kph kung magpatakbo, kapit lang ang sandata mo! kapit mabuti anak!
  • wala naman binatbat ang Anchor's Away sa lantsang sinasakyan from Batangas Port to Puerto. Ang alon nga naman dun eh nakakatangay! Take note gawa pa sa kahoy yun ah!
  • Kung nakadaan na kayo sa SkyWay parang walang limit ang pagpapatakbo dun! bakit ang mga driver hilig mag-drugrace?
  • Kung Jasper Bus ang masasakyan mo, makukulili ang tenga ni God sa iyo dahil sa paulit ulit na pagdarasal na hwag sanang tumirik ang bus na sinasakyan mo.
  • Pwede ka pang matetano kapag nasugatan ka sa jeep, bus o trike.
  • Sa Anchor's Away o sa Space Shuttle pwede kang sumigaw ng "PUTANG INA!!!!" habang umaandar ang ride, sa kalye subukan mo tingnan lang natin kung makauwi ka pa ng buhay.
  • Sa jeep kakabahan ka sa mga kasama mo kasi baka isa sa kanila sumigaw ng "HOLDAP ITECH!" eh sa Anchor's Away tingin mo may papansin sa iyo kung sumigaw ka ng "HOLDAP ITO!" ?
  • Sa MRT kung sasakay ka pag-rush hour pagkababa mo bugbog ka na at puro pasa dahil sa balyahan at siksikan eh sa Space Shuttle orderly at may proper seating arrangement. On a second thought, makakalibre ka naman ng pabango sa MRT.
  • Sa motorbike, masanggi ka lang ng isang sasakyan mahahati na sa lima ang katawan mo.
Ngayon, sa tingin mo mas nakakatakot pa ba ang sumakay sa Space Shuttle o Anchor's Away?

Mabilis tayong matakot sa rides na sa tingin natin nakakatakot pero ang hindi natin alam eh inuna muna ng gumawa nun ang kaligtasan natin at kung magkaaberya man eh handa silang bayaran tayo sa perwisyong dinulot nun. Eh kung mabangga ang sinasakyan natng jeep? magmamakaawa pa yung driver na sa mumurahing ospital lang tayo gamutin. Or worse eh balikan tayo para siguradong patay.

Kaya hwag matakot, mag-ESEP-ESEP

5 comments:

Anonymous said...

hmmm...ang galing mo ah?

pero tama k nga, pero dmo p rin masabi ang accidente hindi mo lam kung san ka aabutin.

Unknown said...

Yep! that's the common belief of most of people!

I beg to differ.

Unknown said...

OO nga no! kaya nga nag-wish ako dati na sana magtayo na lang ng themepark d2 sa aguinaldo highway, ung may space shuttle simula imus to dasma.. wala pang traffic.. nyahahaha..

Unknown said...

mabilis pa di ba?

tsakaautomatic hair blower hahaha

Anonymous said...

naku kung ganun dpat ang hair mo e laging instant ayos? haha...

naku cgurdo kpag nagktaon mahal din ang fare sa rides kc iwas traffic.

advantage sa laging late gumising papasok ng office. haha