Tuesday, May 20, 2008

Hala Lagot!!! May point nga siya

Eto super up na up ang espirito ko sa pamumudmod ng resume whether locally o internationally. hindi dahil sa gusto ko nang umalis sa la salle. I love La Salle for the record. Pero syempre, you aspire for more or to put it correctly

I desire for more! for life, for connections, for happy times and happy memories.

differentiate envy and desire: ENVY is wanting something you don't have while desire is wanting more of what you already have.
Pero sa totoo lang,,, kahit na marami ang nagbibigay sa iyo ng lakas ng loob para magpursige meron isang tao na magpaparealize sa iyo na hindi iyon ganun kadali o kung ilalagay sa masamang salita, ito yung mga taong gusto kang hilahin pababa.

hindi naman siya ganun kasama. By the way ang taong tinutukoy ko eh yung AUNTIE ko. Siya yung nagpalaki sa akin bukod sa nanay ko. Ironic di ba? pero point siya.

kasi nung maligaya ako na dumadaldal bigla siyang banat na?

  1. kaya mo ba magluto?
  2. kaya mo bang mamalengke?
  3. kaya mo bang magwalis?
  4. kaya mo bang maglampaso?
  5. maglaba?
  6. magplantsa?
  7. maghugas ng pinggan?
  8. mag-ayos ng gamit?
  9. maglagay ng sapatos sa tamang lagayan?
  10. mag-ayos ng antenna?
  11. hanapin ang remote ng tv?
  12. maglagay ng mineral water sa water dispenser?
  13. mag-ayos ng hinigaan?
  14. mag-ayos ng damit sa cabinet?
  15. mag-ayos ng pinagkainan?
  16. mag-asikaso ng bisita?
  17. makakaya mo ba na walang gigising sa iyo?
  18. makakaya mo bang hindi kumain ng breakfast?
  19. ng lunch?
  20. ng dinner?
  21. makakaya mo bang bumili sa tindahan?
  22. makakaya mo bang magtanung ng direksyon?
  23. tumawid? kaya mo?
  24. kaya mo bang mag-isa?
At marami pang iba...

ayun kaya nabawasan ang spirit ko, down to 1 percent ulit...

naisip ko? oo nga naman... nabuhay kasi ako na laging may gumagawa sa akin nitong mga bagay na ito kaya ang conclusion ng auntie ko eh dapat ko raw siyang isama kung saan man ako pupunta.

lalu na raw kapag may-asawa at anak na ako, kasi alam niyang helpless ako sa gawaing bahay.

at syempre, mapride ako kaya alam niya na alam ko na hindi ako magpapaturo sa kanya kung paano niya nagagawang linisin ang kwarto ko within minutes. alam nyo yun? yung maliligo lang ako ng ten minutes tapos maayos na ulit kwarto ko. it is as if elves went to my room and cleaned it.

Kaya heto, ultimo pagtutupi ng damit eh nire-research ko sa internet... that's how pathetic I am...

hahahaha.

Anyways, kailangan ko ng tulong! malaking tulong!

No comments: