Wednesday, May 14, 2008

Hala Lagot!!! Makakaya ko ba?

Sa unang lapag ko pa lang sa SG eh talaga namang ako'y napapa-u! ako'y napapawow! kasi sobrang ganda.

Ang Changi Airport pa lang eh nakakabusog na!

Nakakalibog ang Changi Airport dahil sa ganda ng iprastraktura nito! Akala mo nasa loob ka ng pagkalaki-laking Mall. NA sa sobrang laki eh walang binatbat ang MOA sa ganda!

Pero mahal na mahal ko ang MOA (SM Mall of Asia) halos tuwing sabado ba naman eh nandun ako sinu ba namang hindi mapapamahal dun.

Kaya hindi na ako nagdalawang isip na i-update ang resume ko at mag-surf sa internet at maghanap ng trabaho sa SINGAPORE. pero sana naman may mag-reply na no? kahit kagabi ko pa lang pinasa ang application ko.

At ginawa ko na yatang newspaper/pocketbook ang pinoysg.com sa kakabasa ng mga topic sa forum na sa totoo lang eh makakatulong sa mga nagbabalak makipagsapalaran sa SINGAPORE.

Pero despite ng kagandahan ng Singapore, dahil sa sobrang daming malls at sobrang daming shops, eh hindi ko pa rin magawang hindi mag-isip at magtanung sa sarili...

Will I jump and take the risks?

Can I leave it all behind, for example, my career here in the Philippines? How about my modeling/acting/singing/hosting/swordsman/fire fighter career? Kaya ko bang ipagpalit yan sa limpak limpak na salapi at secure na buhay sa Singapore?

Makakaya ko bang ipagpalit ang mahirap na buhay dito sa Pilipinas sa medyo mariwasang buhay sa Singapore?

Makakaya ko bang ipagpalit ang buhol buhol na trapiko ng Pilipinas sa mabilis na daloy na sasakyan sa Singapore?

Makakaya ko bang iwan ang mga jeep sa Pilipinas sa Bus at MRT ng Singapore?

Makakaya ko bang hindi amuyin ang halimuyak ng KADIWA Public Market at bagkus ay simsimin ang mga anghet ng mga ANAPS?

Makakaya ko bang ipagpalit ang smoke belching ng Pilipinas sa malinis na hangin ng Singapore?

Makakaya ko bang ipagpalit ang mga pokpok ng Arcontica, Olongapo at Recto sa mga babes ng Gayla Singapore?

Makakaya ko bang ipagpalit ang MOA sa Vivo City ng Singapore?

Makakaya ko bang ipagpalit ang lahat ng ito sa Singapore?

Sandali? nagdadrama ako wala pa ngang tumatawag sa akin para sa interview...

Naku tsaka na ako magdadrama kapag may job offer na wahahahahaha!

sa ngayon tuloy ang ligaya!

Let's go sa MOA PYRO Everyweek!

1 comment:

Jepoy said...

Geyla talaga?! ahahahha