Saturday, May 24, 2008

Hala Lagot!!! Nabuhay si 50 cent

Ok, I still have the colds... ba naman... natural method of healing ako,,, singa lang ng singa!

+ + + + +

nung isang araw, nagtaka ako bakit hindi ako sinuklian ng mamang driver sa binigay kong otso pesos na pamasahe dahil sa nasanay na rin ao na minsan eh hindi na ako sinusuklian eh hinayaan ko na.

Kahapon ko lang nalaman na tumaas na pala ang pamasahe sa jeep...

+ + + + +

naaalala ko pa nun na P1.50 lang ang pamasahe sa jeep...

ay, I mean naaalala ko na naikwento sa akin ng lola ko na ang pamasahe nun sa jeep ay P1.50 lang. Kaya laging nasa galaan ang lola ko dati.

+ + + + +

Ok seryoso na itong kwento ko...

Bakit ganun no? kung anu yung gusto mo yun yung hindi natutupad? Kung anu pa yung hindi inaasahan sa iyong ibibigay yun ang mapupunta sa iyo? O kaya kung anu yung pinagtuunan mo ng pansin eh yun pa yung hindi mapupunta sa iyo.

Halimbawa, katulad ko. Gusto kong maging girlfriend eh maganda (sinu ba naman ang magkakagusto sa mas lalaki pa ang itsura sa iyo di ba?) tapos ang ibibigay pala sa akin ni God eh SUPER DOOPER sa GANDA O_O

Yung mga hindi inaasahan!

Alam nyo naman ung gaano ako ka-vocal ung saan ang target ko na pagtatrabahuhan this year. Well yeah, I want to go out na as much as possible.

At siguro kung imomonitor ng network team ang activity ng net usage ko eh makikita nila na puro GMAIL, YM, HOTMAIL, JOBSTREET, JOBSDB, MONSTER, GMAIL, YM, HOTMAIL, JOBSTREET, JOBSDB, MONSTER, GMAIL, YM, HOTMAIL, JOBSTREET, JOBSDB, MONSTER at walang humpay na pagsesend ng email!

Yeah! di ako nagbukas ng Multiply, Friendster, Zoodango, Facebook, MySpace, DeviantArt at Flickr accounts ko kasi busy ako sa JobHunting sa bansa na gusto ko pagtrabahuhan. ung susumahin yata nakaka-isang daang send na ao ng resume sa iba't-ibang kumpanya.

And sad to say... last week, apat pa lang ang nagreply na tinatanung ako kung anung position ang gusto kong applyan. SHET!

Here comes Ate Florence (Ate Flor) tinatanong ako kung kailan ang despedida ko... I said to her "No, older sister flor, dear me, resignation to my post is near impossible to happen. I still adore the sceneries of the school and the lovely people who tirelessly serve the students with utmost integrity. My servitude to the university will still continue..."

pero in reality... "magsabi ka ng date ngayong june at sana magkatotoo Excited na akong maglakad ng clearance!"

Tapos yun, sinabi nya sa akin na sana nagIT course na lang daw siya kasi mabilis daw makuha sa ibang bansa. At umiral na naman ang pagiging suwail ko, I said in my mind "Really? Talaga lang ha? ba't hanggang ngayon nandito pa rin ako?"

Then may binigay siyang website sa akin, oooppsss di ko ibibigay hahaha baka magsisunuran kayo mga tiga-IS walang matira na pagmamanahan o ng mga system sa school. hahahaha

sa madaling salita sinubukan kong mag-apply nung THURSDAY habang nagdedeliryo ako sa office dahil sa trangkaso. ganyan ako kadedicate! pumapasok para ang magsend ng application online! ha!

+ + + + +

Friday, habang madilim ang paligid, umuulan sa labas at habang ako ay nanonood ng The Legend of Zorro sa aking Laptop at brief lang ang suot nag-ring ang aking phone!

Tang-ina! ito na ba ang hinihintay ko?

Sinagot ko at nag-usap kami at as usual napatawa ko siya sa mga hirit kong pamatay...

Tuwang-tuwa ako kasi hindi ko inaasahan na ganun kabilis ang application ko, huwebes ako nagsend tapos Friday tumawag na for interview then tatawag siya next week for the job offer!

WOW! I feel so competent! hahaha Sa sobrang tuwa ko I sent an SMS to all the members of my family and Pm some friends!!! Yes! Makakaalis na ako ng PINAS!

Tapos tsaka ko lang na-absorb ang nangyari, at isang tanong lang nabuo sa akin isip...

TANGINA?! Sinu ang kilala ko sa NEW ZEALAND?! O_O

[blank]

+ + + + +

Interview Question and Answer Tip from SaintAntoni

Interviewer: Where do you see yourself five years from now

SaintAntoni: I'll be your boss and you'll be kissing my ass begging me for cheese sandwich and a bottle of tap water for food!

No comments: