Pero anu ang nangyari? Nang makita ko ito parang malungkot ako? nadismaya kumbaga.
Panaginip lang ba ang lahat? Ang tawanan, ang gimik, ang shopping at ang mga tao na nakilala ko. Mga gawa gawa lang ba sila ng isipan ko?
Pero di ko malilimutan ang ganda na nakita ko sa Singapore (wag na lang amoy kasi gusto ko na kalimutan yun). Right from the very start namangha ako sa ganda ng aking nakita. Di ako makapaniwala na totoo ang nakikita kong kapaligiran.
Dito ko napagtanto na may iba pa palang mundo kaysa sa Pilipinas. Ewan ko ba, mahilig lang talaga ako siguro sa magagandang lugar. Dati nagagandahan na ako sa tanawin ng aplaya, karagatan, kabundukan at kabukiran, pero iba talaga ang buhay METRO, nakaka-adik!
Bukod pa dun, ang linis linis sa singapore (pero sobra init). Hinahanap hanap ko talaga ito.
tsaka ang pagbiyahe eh walang problema kasi napakadali gamitin ang MRT nila. Hindi katulad dito na kailangan mo pa bumili ng ticket halus araw araw (pero may pang long term use naman) pero hassle pa rin yung pagtatanggal ng card sa wallet.
Ah basta, ang ganda sa ibang bansa.
Akala ko, kakanta ako dun ng "hinahanap hanap kita manila(cavite)" pero hindi.
Depression lang ang naramdaman ko nung makita ko ang manila. Biruin nyo paglabas ko eh ang nakita ko kaagad sa NAIA eh sari-sari store. "Pilipinas na nga" sabi ko sa sarili ko.
Balik sa dati ulit.
Kung dati, excited ako pumasok sa la salle, ngayon,,, parang ewan... iba na pakiramdam ko,,,
I want to go back.Yo quiero vueltar. Gusto ko bumalik.
kahit mahal ang standard of living, sulit naman hehehehe
nakita ko na kasi ang senyales na pwede akong mabuhay sa singapore
- halos lahat nag-eenglish
- ang daming malls
- ang daming shops
- may mrt
- may aircon sa bahay
- may FHM
- may MAXIM
- may garden
- may theme park
- malapit sa indonesia (I LURVE EYT DER)
- malapit sa pinas
- may apartment
- may internet
- mura ang IT peripherals and gadgets
- mura giordano
- may mcdo
- may kfc
- walang jollibee (hehehehe kaya mahirap na ako utuin hahaha)
- may bar sa clarke quay
- tahimik na neighborhood
- magagandang tanawin
- magagalang na kapitbahay (remember jaq hehehe yung baang pinagbuhat mo?)
- at marami pang iba
WAAA!!! gusto ko talaga dun hehehehe.
='(
2 comments:
pag busy ka na, di ka na mahohomesick lalo na pag kumikita ka na dito di ba? saka andito naman kami, gimmick to the max? hahaha see you soon!
uu di naman ako mabilis mahomesick, tsaka uu gimik gimik hehehe
Post a Comment