Monday, April 21, 2008

Ayan Kasi... Galera Port

back from Puerto Galera... Naman, out of 30+ na employee sa loob ng ITC only 10 people attended our culminating activity. Kasi nga may mga pamilya na at iba na rin ang may anak.

Kumbaga totoo nga yung sinasabi ng ibang friends ko na kapag may anak na eh nagiging paranoid ka sa lahat ng mga bagay. Take note, ang mga nagsabi nyan eh yung mga ayaw magkaanak dati na ngayon eh labs na labs ang kanilang nakakatakot na anak. hahaha.

@ @ @ @

henoways, kahit naman ganun ang nangyari eh enjoy naman ang Puerto. Why? kasi una naghike kami at pangalawa may kuha na ako sa Puerto Galera.

NagHIKE: this time pumunta kami sa falls sa bundok mindoro. May pangalan yun pero I forgot. Ang naalala ko lang eh yung word na "intrans" na tuwenyti peysos hahahaha. Enjoy ang spot for pictures, daming bato hahaha.

PICTURES: Yes, this time I bring a cam and took pictures of people everywhere. The best! pero ako konti ang kuha... kainis. hahahaha

@ @ @ @

Pero ang the best talaga eh nung nag-saping kami sa mga tindahan ng puerto galera at mga naglalako ng massage service. Kakaiba lahat ng banat nila, hindi ko kinaya! o siguro ako lang yun...

Ang mga ilan sa banat nila eh ang mga sumusunod...

"Sir, pamassage kayo... promise di ko kayo hihipuan..."

"Sir, uwi nyo na itong t-shirt sige na, pati ako iuwi mo na rin"

"Ayan Sir maganda yan, pero mas maganda yan kung kukunin nyo number ko"

"Hello pogi pili na, kaninong alindog ang gusto mo?" (t-shirt lang naman bibilin ko)

"Mura lang yan Sir kunin nyo na, pati ako mura lang..."

"Sir anu po gusto nyo? T-shirt, sando, balabal, short o AKO?"

talaga nga namang mga banat ng mga tindera sa Puerto hindi ko kinaya... Hindi ko alam kung ako lang ba yun or they are really born or equipped with good humor.

Mga stores nga naman may iba't-ibang pakulo. Pero this is one of the things that made my Puerto 08 experience one of the best.

Pero nuknukan ng mahal! At in the end, wala akong binili hahahahaha!

@ @ @ @

Kahit super enjoy, napilitan kaming umuwi ng maaga kasi we need to go to SM Megamall for Transport Car Show.

haaayyyssss.....

No comments: