Thursday, April 3, 2008

Ayan kasi... SING-A-PORE

Naku malapit na pala ang singapore adventure ko pero hanggang ngayon hindi pa ako nagpapaalam sa mga magulang ko.

paano ba ako magpapalam?

"Ma and Pa alam ko medyo taghirap tayo ngayon dahil walang driver ang isang jeep at si papa magpapahinga muna sa pagmamaneho ng main jeep natin pero gusto kong magliwaliw at magpacute sa pictures sa singapore. Aalis na ako sa April 29 ang balik ko na eh May 7"

o ganito

"Mama y Papa (spanish accent dapat) pupunta ako singapore at maglalamiyerda. Bye."

naku, paano ko ba isisingit ito sa kabila ng mga problemang sinusolusyunan nila? naku naman kasi bat di ko pa nagawang magpaalam noon? syempre tatanungin nila ako kung saan ako kumuha ng budget at masasabi ko sa kanila na may savings ako. Patay ako pag nalaman nila nagtatago ako ng pera sa kanila. hahahahaha lagi ko pa namang sinasabi na wala akong pera.

@ @ @ @

nakausap ko si ate ohsie na ang sabi niya eh hinihingi ni DeeJay yung flight details namin sa singapore. kasi kailangan nila yun as residents para naman sa protection nila at namin na rin.

sidestory... DeeJay Martinez-Buiza or Dorothy Jane Buiza is a former employee here in La Salle Dasma who is also a friend, she married the man of her dreams, Mr. Julius Buiza who is also a former Asst. Director of ITC. Oh di ba bigatin? iniimbitahan nila kami na pumunta ng singapore hehehe at syempre libre ang tirahan. Bait bait.

Ayun kaya rin pala hinihingi eh para makapag-leave si Julius at para makasama namin sa escapade.

WHAT?! grabe nung nalaman ko iyon nalusaw ako sa hiya (yes kahit sobra tigas at kapal ng mukha ko nagagawa ko pa ring mahiya for necessity reasons) kasi naman pakiramdam ko napaka-importante namin para magleave pa si Julius. Oh well para na rin makasama din siya sa mga wacky moments namin sa singapore. hehehehe Naku Julius and DeeJay ngayon pa lang thank you na.

Kailangan ko na talagang bumili ng malaking memory size ng Compact Flash kasi expected na na babaha ng mga larawan sa singapore. knowing na kaming tatlo pa lang ni Sonny at Ate Ohsie na certified camaholics. anu ba come-on bili na hehehe.

after bora im so excited na sa singapore... grabe hindi na philippine peso ang gagastahin ko dun ah, kung di singaporean dollars na hehehe. naku wala pa pala sa akin yung pera help...

pero pucha bago ang singapore dalawang matitingding patayang event ang mangyayari sa akin , ay tatlo pala.

1. OZINE FEST (april 6 and 7)
2. Mt. Dagulgol Climb (april 12 and 13) (phota, pagdasal nyo na mabuhay ako)
3. ITC Puerto Galera Outing '08 (april 18, 19 and 20)

pucha lahat naoohan ko kasi naman... lahat exciting...

hahahaha ang sarap mag work sa ITC La Salle pwedeng pwede tumengga all day hahahaha

Heniways good luck to me and yourself.

No comments: