Saturday, April 5, 2008

Ayan kasi... OZINE experience

grabe sobrang katamaran ko 1130am na ako umalis sa bahay namin kasi sobrang tamad kong umalis at puyat na puyat ako... tangina... pero gusto ko umalis kaya pinilit ko kahit dahan dahan lang makaalis lang ng bahay at makapunta sa OZINE...

sa Bus (na hindi ko matandaan kung nakapag-bayad ba ako) nakatulog ako nagising na lang ako sa song ng WHAM na Wake Me Up Before You Go Go and surprisingly nagising ako banda sa MIA Road...

Hindi naman mahirap pumunta ng Megamall dahil sa MRT. At dahil sa MRT nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-reminisce. Ang sarap sumakay ng MRT smooth ang biyahe. Kaya nga lang kung malas malas ka at napatapat sa iyo eh mabaho ang hininga naku lagot ka... mapapamura ka ng "Tangina naman mura lang ang toothbrush at toothpaste Pare!" Pero yun nga nakapag-reminisce ako habang bumibyahe patungong Megamall.

Pagdating ko sa Megamall eh dumiretso ako sa Max Restaurant kasi gutom na gutom na ang inyong lingkod at Max Restaurant ang napili ko kasi favorite ko ang Max. Masarap ang Max Fried Chicken. it's Finger Fuckin Licking Licious!

while I was waiting for the bill nakatanggap ako ng text mula kay Geoffrey, na aking student before, saying na "Sir Pa-Share naman po ng picture sa OZINE." At nagreply naman ako ng "Hahahaha No Problem."

Pero phutek?! paano niya nalaman na pupunta ako eh dito ko lang naman sinabi na pupunta ako ng OZINE at itong blog na ito eh lima pa lang ang nakakaalam? Wow... si Geoff stalker... COOL!

@ @ @ @

Pagtapos ko dumiretso na ako sa taas dahil hinihintay na ako ng mga COS Players dahil ako ang kukuha sa kanila.

Pucha... wala akong makitang naka-COS play... pero tuloy pa rin ang lakad and then ayun may mangilan ngilan na akong nakikitang nakaporma na pang-Japanese Fashion. Ang sabi ko sa aking butihing self "Ayan malapit na ako"

Naku sa labas pa lang ng Mega Trade Hall 1 eh napakarami ng tao syempre expected sa labas marami na rin... Tangina ang dami nga...

Pero let's look it in a different perspective... baka naman masyado lang maliit ang venue ng OZINE ngayon? kasi naman isang trade hall lang ang binuksan o pinareserve. unlike sa HERO Convetion noon super sa laki ang venue. SMX ba naman ang ipareserve eh.

Well kung gusto nyo malaman kung gaano kasikip? ganito yan... hindi ko mabilang kung ilan beses ako nakasiko sa mukha, sa chest at sa brest ng tao habang kumukuha ako ng picture.

Sa sobrang sikip naisipan pa nilang magpalaro ng basketball hehehe....

pictures will be posted later... hahahaha

naiinis na nga ako eh kasi naman yung mga tao sa sobrang kasikipan eh di na nagsosorry kung dadaan sila in between you and your subject kasi nagmamadali na

at sa sobrang irita ko sa dami ng mga tao, sumigaw ako ng "BWAKA-NANG-INA!!! lahat ng mga taong hindi COS Players at walang Camera LUMABAS! Di ko kailangan ang mga bwakanang-inang pagmumukha ninyo!" pagkatpos nun, dumating ang security at dinala ako sa labas ng Megamall and sinabihang wag na ako pupunta sa kahit anong mall ng SM...

Corny??? deal with it di ako magsosorry! hahahahahahaha

@ @ @ @

Enjoy naman ang OZINE kaya lang pag-uwi ko eh may namalimos pa sa aking babae na Marie daw ang pangalan at tiga UE daw siya. Binebentahan ako nung una ng Bolpen na may kalendaryo (yung katulad kay Marvin at Joseph the Mongrel) sa halagang P100.00. Puta! di na uy... may ballpen ako maganda pa! pero she was persistent like a resilient bacteria na talagang humingi pa sa akin ng donation kung di ako bibili kaya binigyan ko ng P5.00 malay ko ba kung scam yun....

Buti na lang maganda kang haliparot ka kaya hinintuan kita... nakakuha ka tuloy ng Lima sa akin... di ko alam kung totoo yung foundation na sinasabi niya pero pinagbigyan ko na rin. Impierno naman kakabagsakan niya kung nagsisinungaling siya eh hahahaha....

@ @ @ @

Bukas motor show naman sa World Trade Center then Sunset sa MOA with ate ohsie and sonny

No comments: