ang benepisyo nga naman ng pagiging guro eh hindi mo malalaman kung kailan darating. Kahit na kakarampot lang ang pera na kinikita sa pagtuturo eh sa ibang paraan naman bumabawi.
Sa totoo lang tanggap ko na na balang araw eh aalis ang mga naging estudyante ko at malaon eh makalimutan na nila ako. Tanggap na tanggap ko na yun, kahit masakit hehehe.
Pero sa totoo lang, iba pala talaga kung naaalala ka ng mga students mo in a simplest ways, katulad na lang na walang humpay na tanungan sa pamamagitan ng YM. Kahit sobrang kulit na nila eh natutuwa pa rin ako dahil may tiwala pa rin sila sa akin tungkol sa larangan ng IT. Kahit sang damakmak ang mga tanung nila, na hindi ko alam kung saan hinugot, sa akin at on the spot ko sagutin ang mga tanung nila eh wala sa akin yun hehehe. I'll appreciate it to the max.
Pero mas lalung nakakataba ng puso eh yung nagpapaalam sila sa akin para gawin nila akong personal reference nila sa paghahanap nila ng trabaho. Kahit madalas kong sinasabi na "Naku sasabihin ko sa employer mo kung gaano ka kasama at katamad para magtaka sila sa iyo at di ka kunin" (pero syempre sabay sabi ng joke joke at o-oo rin). kahit ganun lagi ang sinasagot ko eh sa kabila nun eh nadudurog ang puso ko dahil sa sobrang kagalakan.
iba pala talaga ang pakiramdam. Kumbaga priceless!
Being a professor is a humbling experience and a noble job too. In a simple way, I can touch people's lives and connect to them. Kaya kahit libre ang fee sa akin ng la salle upang magturo eh ok na ok lang sa akin kasi iba ang benefit na natatanggap ko.
Kung yung iba eh ayaw nila magturo... ngayon masasabi ko na gustong gusto kong magturo. Iba ang pakiramdam, iba ang nagiging dulot nito sa pagkatao ko at higit sa lahat lumalawak ang pakikitungo ko sa mga kabataang pinoy hehe.
Masasabi ko na mahirap ang pagtuturo pero kahit kailan hindi ko sasabihing malungkot na trabaho ang pagtuturo.
Kung ako sa inyo, subukan ninyo... malalaman nyo na malawak ang mundo at hindi lang ang iniisip ninyo ang nagpapaikot sa mundo.
GROW UP!
No comments:
Post a Comment