Thursday, April 3, 2008

Ayan kasi... Sabi nang wag eh...

Bwaka-nang-shit!

ganun pala dun...

umattend ako ng CLP (Christian Life Program) kanina para makita kung anu ang ginagawa nila dun kasi quite intriguing... lagi silang nagkukwentuhan about CLP kaya sige I will attend para hindi ma-left out.

5:30pm daw nagsisimula ang CLP pero dumating kami dun ni ate ohsie ng 6:15pm.

Oh di ba? ang trademark dala-dala pa rin hahahaha.

ayun konti pa lang ang mga tao. na buti naman kasi ayoko naman na para akong artista doon na maghehello sa mga kakilala no?

gusto kong damahin ang pagiging newbie at sa sobrang gusto kong damahin ang nilagay kong pangalan ay "ANTONI" imbes sa nakasanayang "Fred", kaya ayun sa tuwing babanggitin ang pangalang ANTONI eh nakatunganga pa ako.

Dumating pa nga sa pagkakataon na kinalabit ako ni Ate Ohsie kasi tinatawag si Antoni. Ako pala yun hahahaha. Kasi naman yung pamilya ko at mga kaibigan ko sa barrio ang tumatawag sa akin ng Antoni. In my professional and academic life puro FRED with the exception of my Mentor, Sir John Ruero.

@ @ @ @

grabe sa lesson ang ibinahagi sa amin ni Tito Jimmy about pagsisisi... hahaha na-absorb ko naman tsaka balik school mode ako kanina nung nakikinig syempre isnab lahat para maabsorb talaga.

Pero doon na lang ulit ako nakakita ng tao na medyo sabihin na nating ayaw magsalita ng mga bad words. Katulad ng K. T. na hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anu ibig sabihin, ng mga salitang may mo ( dito medyo gulat ako kasi paano kung ANG GANDA MO ang sinabi?) tsaka iba pang salita na sabihin na natin ay MURA.

tuloy nabuhay ang dugo ko ngunit pinigilan kong magsabi ng mga salitang katulad nito

"AY PUKE!"
"PUTANGINA NAMAN OH!"
"TANGINA LAKASAN MO NGA!"
"PHOTA OO NGA NO?!"
"KINING-INANG-SHIT!"
"LECHE DE PUTA!"

and many more... para lang makita ang reaction nila. Pero newbie nga kaya wag munang gawin... tsaka ko na pakikita kung gaano ako kasanto. For the mean time ako'y isang birhen muna.

@ @ @ @

Sumunod na nangyari eh yung sharing.

PHOTA... para akong umattend ng AA (Alcoholics Anonymous) meeting kasi nakapalibot kami at may facilitator. Ayun sharing sharing... kinabahan nga ako baka mamaya may masabi ako na kakaiba mabigla silang lahat. hahahahaha...

may mga tanung na nakalimutan ko na ang mga sinabi kong sagot. Pero nakakatuwa naman yung sharing ng mga kagrupo ko parang gusto ko silang husgahan lahat.

Pakiramdam ko ang linis linis ko kasi ang dami nilang sinabing pangit sa buhay nila. Well hindi naman sa pagyayabang, with the exception of drugs and alcohol and other vices, napagdaanan ko na ang issues about pride, sigawan sa magulang, pagsisinungaling at hot-headedness kaya nung nagsasalita sila eh pakiramdam ko im one step ahead sa kanila.

tsaka kanina pinigilan kong asarin o lokohin yung mga nagconfess na chain smoker sila. Pinigil kong sabihin ang mga ito "Chain smoker ka? siguro ang itim itim na ng baga mo sa sobrang usok na hinithit mo? Lung Cancer na sunod nyan..." wag talaga at buti hindi ko ginawa. Stop being judgemental...

Basta I wish them luck in conquering their issues. Ako tuloy ang ligaya!

And once more I am thankul to God Almighty dahil maganda ang pagpapalaki, or at least maayos, sa akin ng mga magulang ko.

Alam nyo kanina sa meeting sa sobrang kaba ko hindi ko nakain ang snack during the sharing kasi hindi ko alam kung anung pangit sa buhay ko ang sasabihin ko. Hindi sa hindi kung saan magsisimula sa dami kung di dahil sa nakalimutan ko na itong mga ito. hehehehe

I need reflection very quickly....

hahahaha

@ @ @ @

All in all naman enjoy naman ako... haha sige attend pa ako ng isang meeting tutal wala naman akong ginagawa every thursday evening...

Ang dami pa lang attendees na tiga la salle. Masyado akong nagiging visible...

hahahahaha

No comments: