Wednesday, April 9, 2008

Ayan kasi... Nalagpasan tuloy!!!

Alam nyo ba yung saying na "Opportunity knocks only once?" na dapat eh kapag kumatok yung opurtunidad eh sasagutin kaagad dahil madali din itong mawawala?

Aaminin ko, marami nang beses na nangyari sa akin na may pinalagpas akong pagkakataon o oportunidad sa buhay ko pero itong nangyari sa akin ay talagang walang kapantay.

Taena naman oh? pinaglalaruan mo ba ako? hahahaha

kasi ganito yan mga friends, may sumulat sa akin na syempre dahil ang inyong lingkod eh talagang ang motto eh "I know I can't please everybody, But at least I tried" eh pinaglaanan ko ng panahon ko na magsulat ng sagot sa kanyang sinulat para naman hindi ako maka-offend ng isang nilalang. Hangga't maaari.

Pero bigla ko na lang nakita na yung Crush ko (by the way hindi si Charli o si gZel o si Aida o si Lorna o si Fe ang tinutukoy ko iba pa ito haahha) eh nag-offline na.

Phota! gumuho ang mundo ko dahil ang pagkakataon na makita siya kahit sa YM at makapag-flirt sa kanya eh hindi ko nagawa. Taena... ito na yung pagkakataon eh pinalampas ko pa dahil sa reply lang...

Pagkakataon ko nang madiligan ang nanunuyo kong bukid tapos... tapos... inaksaya ko lang dahil sa letter na iyon?! na hindi ko na ipapadala sa kanya bilang senyales ng aking kabwisitan! Sorry kung nadamay ka, pero yung reply na yun talaga ang sinisisi ko kasi masyado ko itong napagtuunan ng pansin... pero hindi rin naman siguro mahalaga sa iyo yun no? tsaka hindi ka naman siguro umaasa ng tugon mula sa akin... kaya kung sinu ka man... right timing ka sa pang-aasar sa akin.

Pinangako ko talaga sa aking sarili na sa susunod na makita ko siya na mag-online eh heto na... gagawa na ako ng move... hindi na ako magiging torpe at susugod na ako... wala akong pakelam i I'll be fighting a useless battle basta gagawin ko ito... all for the sake of love (HA!) Phota kasi naman huling nag-online siya last year pa! to be exact december 23...

Kung madali lang maoffend si ate ohsie eh baka nagkagalit na kami dahil sa sobrang kainisang words ang binabato ko sa langit dahil sa frustration.

Kaya heto ako ngayon,,, nakabitin sa ere at umaasa na mag-online uli siya upang makausap kahit isang saglit at mabasa ang kanyang mahalimuyak na tugon sa akin. Kahit mapait na salita ang kanyang gamitin... matamis pa rin iyon para sa akin...

Hwaw talaga! Hwaw! Bad Things really happen to good people...


=(

No comments: