Friday, April 4, 2008

Ayan kasi... mahilig...

kanina pagpasok ko ng 10:00 am sa office si ruby lang ang nakita ko.

Nashock ako kasi akala ko maraming tao ngayons a IS since friday haha, naalala ko marami pa lang offset ang mga peeps ko na hindi namang inaasahan na nagamit ng sabay sabay.

well anyway hindi naman ito yung unang pagkakataon na nangyari yun. Last year eh nangyari din.

Actually I wasn't supposed to come to school today but since I won't be doing anything at home I chose to be productive and watch tv series at the office rather than at home. Aircon pa! hindi ako maiinitan.

Nagdala ako ng jacket sa office kasi kahit sobrang init sa labas eh napakalamig naman sa office namin na gusto ko naman... ayun nagkaroon naman ng silbi since lumamig nga.

@ @ @ @

Ang boring sa office kasi kahit nandun si ruby at hannah eh umalis naman sila kaagad. Ako naman eh gusto talagang magstay sa office kasi malamig kaya hanggang 6:50pm ako dun...

nakakabore talaga kapag summer kasi wala ka masyadong makikitang tao sa office dahil may day-off kami na two days.

amazing? yes truly kasi naman san ka makakakita ng kumpanya na ok naman sa umpisa magpasweldo tapos ang daming bakasyon, stress free pa fuera lang sa mga ibang hinayupak at hayop na officemate na talaga namang hayop. hahahaha sabi nga ni Papa kahit sang magandang office ako pumasok eh merong at least isang kakasuklaman mo. tao man o bagay o lugar. Isa iyan sa mga natutunan ko kay papa na 100% totoo. Gracias Papa

kaya nagbasa ako ng mga blog, nakitingin sa pictures ni sonny, nakitingin sa pictures ni ate ohsie, ng mga pictures ng mga taong conencted sa akin, nakialam ng buhay ng may buhay, nanira ng pangarap ng mga estudyante, nangarap maging hari ng espanya noong panahon, nagplano ng suicide na hindi papangit, mag-pedicure na gamit ang ngipin, mag-levitate, mag-astral projection, mag-flirt sa may crush sa akin(tigas ng mukha ko no?), mentally undressed someone, mag-ake ng orgasm atbp. para lang to kill boredom but to no avail.

buti na lang naalala ko na may copy ako ng series ng friends season 1 kaya nanood na lang ako maghapon sa office.

ang galing no? ganyan pag summer sa amin, susuka ka sa sobrang walang ginagawa. titigas sikmura mo kasi sinuswelduhan ka ng wala kang ginagawa. That's the secret why I have such a baby ace (kapal).

@ @ @ @

haaay.. salamat at ginanahan uli akong umuwi kaya heto umuwi ako pero pag mga bandang 7pm na naku asahan ang hirap humanap ng jeep papasok sa amin dahil punuan kaya no choice kung di sumabit.

masaya namang sumabit kasi ang sarap ng hangin na humahampas sa mukha mo tsaka summer ngayon and it feels good when your hair is riding with the with. Ang pakiramdam parang Happy ending sa pelikula at dagdagan pa ng background music mula sa aking IPOD na Life na kinanta ni Desiree hehehe. Ang sarap parang lahat ng problema ko eh nawawala habang mabilis ang takbo ng jeep at ako naman itong sumasalubong sa hangin dahil nga nakasabit ako.

nang bigla BAAAGGG!!!! Tang-Ina may pumara!

nauntog ang labi ko sa bubong ng jeep. Tangina ang sakit! Tangina kang pumara ka na tiga-Summer may araw ka rin...

sabay ng pagka-untog ko eh sabay din balik sa realidad na may mga problema ako. Na ang pantasya ay pantasya lang at kailangan harapin ang hamon ng buhay. Balik sa buhay na malungkot at puro problema. Tangina ang drama.... ahahahahaha

well, hindi naman ganun kabigat mga problema ko na pinagpapasalamat ko ng malaki sa ating Panginoon. Naku sana hindi naman ako dumaan sa matinding pagsubok kasi ayoko hehehehe Lord sana wag mo hayaan please please please....

Ayun dumating na ako sa bahay hanggang sa heto nagbablog ulit ng mga nangyari sa buhay ko hahahaha...

You found this entry as Non-Sense?

You found this entry as Shallow?

Phota! kasalanan mo eh binasa mo eh...

Dun sa mga nagandahan eh maraming salamat

have a nice day... err... night...

P.S.

Bukas Ozine Fest sa SM Mega Trade Hall

Im excited hahahaha

Picture Picture ulit sa mga COS Players

hahahhaa

No comments: