Saturday, April 12, 2008

Ayan kasi... Sibling Rivalry?

thankful talaga ako ngayon dahil may mga kapatid ako na handang magpaligaya at mahingan ng sama ng loob . At buti naman at sila ay marunong tumiming sa pagpapaligaya sa bawat isa sa amin, lalu na ang kapatid kong bunso na kahit sobra sa bugnutin eh nagiging stand up comedian ko at source ng mga information sa lahat ng bagay, lalu na sa IT, Gadgets, Photoshop, Photography, Fashion, Comedy, atbp. sa tuwing ako'y down na down. (dahil hindi ako maka-access sa office ng multiply at friendster).

Si Ate naman eh buti ay napaka-galante ngayon hehehehe. May utang nga ako dun na P50000 pero hanggang ngayon eh hindi ko pa nababayaran... hahaha ate mababayaran din kita... ako bahala sa ULTIMATE TRIP natin hehehe

pero bago kami maging super dooper close ng mga kapatid ko, na di ko alam kung saan nakukuha ang mga kapilyuhan at kapilyahan, eh talaga namang sandamak-mak na asaran, gulpihan, utakan at patayan ang pinagdaanan namin...

ganun nga siguro no? talagang you'll undergo baptism of fire para maranasan ang mga bagay na magpapatibay sa bond ninyong magkakapatid. it's like investment, dugo at pawis ang ipupuhunan mo para sa bandang huli eh tiba-tiba ka sa ROI.

At itong investment natin eh ang magpapahirap din mismo sa atin kapag dumadating na yung punto na nagkakasakit ang kapatid ko at takot na baka ako ang mag-alaga (joke) i mean baka unahan ka nya na mamatay (dahil sa sakit o dahil sa katandaan or hindi huminga dahil ayaw makaamoy ng mabaho). Then you will be infused with sadness and loneliness kapag wala na sila or kapag naiiwan ka na mag-isa.

Ang bond nga naman ng magkakapatid eh nakakainis. Dati gusto ko ako lang mag-isa ang anak ni Mama y Papa. Hate na hate ko ang mga kapatid ko, lalung-lalo na yung bunso kong kapatid hahahaha (sibling rivalry) pero ngayon I am thankful to our Almighty God at nagkaroon ako ng dalawang kapatid. Now, I am afraid to lose them...

Lalu na nung naaksidente si ate way back 6 years ago. Until now I can't get over the fear na sa tuwing naiiwan ako mag-isa sa bahay at mag-riring ang phone namin. Humihinto ang puso ko at takot na sagutin ang phone dahil baka mamaya eh may maghanap uli sa akin at sabihin na nasa ospital ang isa sa mga mahal ko sa buhay (at malate akong pumasok na naman sa school, joke).

Meron talagang takot na kahit anung gawin mo eh hindi mawawala.

May mga phases talaga siguro ang buhay ng magkakapatid... dadaan sa phase na you'll hate each other, you are forced to help each other, be happy together, be closed to one another, laugh together, happy together, shopping together, cry together, bonding together, fight with each other, and every things that siblings will do together...

Haaaayyy... bukas kaya anung phase ang pagdadaanan naming magkakapatid?

2 comments:

ynnos said...

Nice blog fred.. ayan pinagaksayahan ko talaga basahin.. hehe seriously maganda ang topic na to.. and it's good thing na share mo samin to..

Antonitoledo said...

hahaha thank you sonny... and welcome to blogspot hihihihi