I really can't find the words to start this entry... pero sige uumpisahan ko pa rin... ngumit tinatamad akong magblog ngayon... tired kasi....
dahil summer nga ngayon... we have 4 days of day-offs, meaning we are only required to go to the university three times a week. pero sa totoo lang hindi ko pa masyado nagagamit ang aking mga offs, kasi naman bukod sa ayoko mamalagi sa bahay dahil sa sobrang init ngayong summer eh mas malaki ang nagiging gastusin ko sa bahay kaysa sa ginagastos ko sa tuwing papasok ako ng school tsaka mas masarap manood ng african porn sa office. (joke) =D
pero ngayong linggo eh minarapat ko nang gamitin upang ako ay makapunta sa Launching ng Microsot Visual Studio 2008. Matagal ko na itong inabangan dahil talaga namang kaabang-abang ang kanilang produkto at gusto ko rin makita ang pinag-kaiba nito sa Visual Studio 2005. Pero bukod dun, gusto ko rin makita ang bonggacious opening number ng launching ngayon. Magiging mas kasiklab siklab ba ito kaysa sa nakaraang launching ng Microsoft? ewan hahahaha
Umaga, nagising na ako ng mga bandang 7:00am dahil nga nag-usap pa kami sa YM ni ate ohsie tungkol sa kung paano magkulot ng buhok, pagbubunot ng buhok sa kilikili, paglalagay ng manicure sa ngipin, kung paano kumain ng nakatuwad gamit ang paa, at kung bakit ang daming fountain sa La Salle.
Kaya ang nangyari late na dumating sa Venue (SMX). Pero bago ako dumiretso sa SMX at makinig sa mga lectures ng speaker eh dumaan muna ako sa Starbucks MOA para bumili ng coffee kasi hindi ako nag-almusal... kaya coffee na lang dear ang drama ko,,, coffee na nagkakahalaga ng ginto... ang masama pa nito eh walang NON-Fat Milk kaya patay bloated ang kinalabasan,,,
Pagdating ko sa venue, pucha libre ang starbucks coffee courtesy of Microsoft... taena napagastos pa ako... kaagad-agad kong hinanap sina Marvin at Jonah Dave kasi alam kong nandun na sila at hinihintay ako...
tinawagan ko si dave ngunit ang sumagot eh si ate she na asawa niya ang naghello sa akin... akala ko wrong number... nakadivert pala sa kanya ang calls hehehehe Hello Ate Sheryl ehhehehe
tinext ko na lang si marvin at nagreply naman (thank God! kasi bihira lang magreply si marvin tuwing may event). At ayun nakita ko agad sila...
Ngumit may kasama silang bagong mukha... una hindi ko napansin... hanggang sa nung lumapit ako at naaninagan ko na si Mike Jimenez pala iyon (tange, hindi yung politician/ewan) siya yung bagong employee o kabatak ng Network Team ng ITC. Aba! nandun din pala siya hehehehe...
heniway, pagka-upo ko tinanong ko kaagad si marvin kung may nag-openning number na artista? pinigil ko ang hinga ko hangga't hindi sumasagot si marvin kasi natatakot ako na may mamiss akong ganoon sa launching, mamiss ko na ang lecture wag lang ang makita ang openning number ng kung sinu mang artista.
Ang sagot ni Marvin "WALA!" sabay exhale ng malalim, buti na lang at wala akong namiss na ganoong kahalagang pagkakataon... taena kapag to namiss ko pa papakamatay na ako... Last Launching kasi nung 2005 eh nag-imbita ng dalawang artista ang Microsoft, si Geneva Cruz na nag-sexy openning dance number na kinatuwa ng mga Microsot Geeks at Iya Villana para sa isang wholesome na closing number at raffle host na hindi naman ako nanalo ni isang id lace. Wow naman kasi talaga yung last launching!!! walang tatalo...
grabe habang nakikinig ako sa lecture ng foreigner na ewan kung anu ang kinalaman sa microsoft eh naisip ko bigla na napapaligiran ako ng mga geeks at nerds! grabe! nasaan si sonny? kailangan kong magpakuha ng mga pictures sa mga ganung klase ng tao... joke hahahaha
Pero hindi kami nakatiis ni Marvin at lumabas na kami bandang 11am at babalik na lang ng bandang 2pm at maglilibot libot na lang sa loob ng MOA. Kaya lang ang time limit namin na 2pm eh umabot hanggang 4pm kasi mas masarap gumala sa MOA kaysa sa makinig sa boring na speech ng mga tao sa Microsoft. We have the freedom to learn it in the university so why not explore it when we were there.
And besides, naka-off naman kami at hindi naka-file iyon bilang Official Business kasi inadvise ni Mam Malou na hwag nang ifile at mag-off na lang kami... which exempt us in any responsibility from giving an eco-seminar to our colleagues back in our office. hahahaha thank you Mam Malou =D ang wise nyo talaga and bait bait... =D
@ @ @ @
Ang nangyari window shopping galore ng bibilhing iPOD Touch ni Marvin, Sneakers ni Marvin, Portable DVD para sa Mama ni Marvin, Havanas (not havaianas ha!) at canon lens ko. Pero sa bandang huli eh wala rin kaming nabili...
Nalaman ko rin na ang bibilhin sana naming lens ni Sonny eh wala na, nabili na! sana pala binili na ni Sonny ang lens para siya meron an at ako na lang ang mamomroblema kung saan bibili. Heniway, pinalista ko na lang sa waiting list ang pangalan namin. Kapag may dumating eh una kaming tatawagan ng manager nila at ipapareserve na sa amin within a day hehehhe.
taena sabi ko im tired to blog right now hahahaha tapos dami ko nachismis.... naku pagtyagaan nyo na lang po hahahaha!
No comments:
Post a Comment